<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10753911\x26blogName\x3d%2B+pessimist+addictions+%2B\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://undiscovered08bum.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://undiscovered08bum.blogspot.com/\x26vt\x3d5718339149119412204', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>



  -Thursday, June 29, 2006-
Touché!


an SMS from a friend.


Isang araw nag-away ang puso at ang utak,

sabi ng utak sa puso: kalimutan mo na sya! tanga mo talaga.
sagot ng puso: akala ko ba matalino ka? pano ko makakalimutan eh lagi mo iniisip?!

nag-reply ako.. kahit obvious na forwarded message lang yan.
sabi ko naman: touché! (hehehe!)

_____________
scheduled game for tomorrow, friday; June 30.
5:00 pm - Germany vs Argentina
9:00 pm - Italy vs Ukraine

_____________
yur supir iro's words of wishdoom:

Perhaps the feelings that we experience when we are in love represent a normal state. Being in love shows a person who he should be.
-Anton Chekhov

signed,
who deemed @ 10:57 PM

read the 8 pessimistically addicted whisper to my ears







  -Tuesday, June 27, 2006-
What are you so afraid of?
–the dream analyzer.

warning: long post. if you are uber-sensitive and hates cheesy stuffs. then go away. come back some other post.


Last night, I had this “wake-up” dream.

I was in a relationship with an old friend.

take note:
I was in love with this guy and everyone and I mean everyone, even our profs. thought that sooner or later we’d end up together! Hahaha! If you’re asking if he also felt the same thing, I don’t know and I guess I never will.. we’d joke about it but we never seriously talked about it. I supposed we were both afraid of “ruining the friendship”.

If you’re a friend from high school: alam ko kung sino iniisip mo. it’s not who you think he is. Trust me. Plus, I know that he’s happily committed now. So, let's just drop it.


Anyway, I don’t think na may connection sa dream ko yung kung sino man ang mga kasali sa panaginip ko, sila yung kasali kasi sila yung mga kakilala ko. It doesn’t matter kung siya man or si Johnny Depp ang kunyari kong boy-friend sa panaginip. Ang importante eh kung ano yung na-realize ko sa panaginip ko.

Going back to the dream. It started sa isang café, we were having a drink with friends. We were doing all those cheesy things that couples do, you know, the cuddling and all. That’s when I realized that he was my boy-friend. Tapos, bigla-bigla na lang nasa supermarket na kami, tapos sa may cashier nung mag-babayad na sya, habang kumukuha sya ng pera sa wallet nya I took my shopping bag at run away. Ganun na lang. Biglaan. Shocked nga ako eh. Paki-ramdam ko nga nung time na yun nanunuod ako ng pelikula. Syempre, he ran after me, asking for explanations. Tapos ayun, nasa parking lot na kami. I didn’t want to talk at the moment, binato ko sa kanya yung plastic bag. Hahahah. Tapos, biglang andun na ako sa isang lugar na hindi ko alam kung anong lugar yon, basta mukha syang canteen sa loob ng hotel. Oo, canteen sa loob ng hotel, panaginip nga eh. at maraming tao, hirap i-explain eh, basta maraming bench, medyo madilim parang black & white, na lahat ng tao eh naka-white shirt, tapos may hagdanan pero mga 15-20 steps lang, ang ilaw nga kulay orange eh, tapos sa taas coloured na,alam nyo ba yung madalas na kulay ng ilaw ng mga chandeliers? Ganun. Nasa baba pa rin ako, when i saw his brother and i was crying. Aaccckkk. Me, crying? Four years in highschool and i cried less than 7 times sa harap ng mga schoolmates/classmates ko. And i was asking him, “asan kuya mo? I need to explain to him”. Hindi na maka-hinga sa kaka-iyak. I was thinking to myself, yes while dreaming, “This is definitely not me”. Di ba nga para na akong nanunouod ng pelikula? Hindi ako sigurado kung sumagot ba sya or hindi, wala syang boses? Hindi ko rin alam. Basta tinapik nya ako sa balikat tapos umakyat na ako sa hagdan, tapos like any other movie, andun yung kuya nya, weird nga eh parang we was actually waiting for me. Tapos biglaan ulit naka-upo na kami, ang inuupuan namin yung upuan na parang sa eroplano, hahahah. magkaharap kame at may lamensa sa gitna, weird... but it is after all a dream.

Eto na yung pina-ka-importanteng part ng panaginip, he held my hands.

Me: syepmre, mega iyak pa din. sorry. I didn’t want to hurt you.
Him: I know.
Me: kaya lang, nasasakal na ako, paki-ramdam ko sobrang akong na-pre-pressure.
Him: Nasasakal ba kita?
Me: iling. No. Mahal kita pero hindi pa ako ready sa commitments
Him: tahimik. tungo sabay sabi, so, pano na?
Me: I shrugged.
Him: no, commitments? Hhhmm.. obvious na kung ano gusto mo mangyayare...
Me: but i want you to know, i mean, you do know na mahal kita.
Him: i know.

***gising na, kakayod ka pa***
ayun nagising na ako. galing ng timing noh?

Dahil bente-uno anyos na ako at yung mga pinsan ko dito at yung mga ibang bata dito eh onse anyos pa lang may boy-friend ng inuuwi sa bahay eh madalas akong matanong kung bakit daw wala akong boy-friend, dati hindi ko alam ang isasagot kaya sinasabi ko na lang “wala pa nabubulag”, hindi ko alam kung bakit but somewhat people find it funny and eventually accept it as an answer.

Ngayon alam ko na kung bakit... pero syempre yung isasagot ko “wala pa nabubulag” pa din.

Hindi ko kayang sabihin na hindi pa ako ready na mag-commit. Hindi ko kayang sabihin na takot ako pag-seryosohan. Na ayoko na kung may gusto akong gawin eh kelangan ko pang huminggi ng permission sa ibang tao, ayoko yung thought na hindi ko pedeng gawin yung gusto kong gawin, kung kelan ko gustong gawin dahil may isang tao na dapat kong isipin yung magiging reaction nya. Ayoko ng babawalan ako na maki-pag-usap/sumama sa mga taong gusto kong kausapin at samahan. Ayoko ng away nang dahil sa selos. Ayoko ng gulo nang dahil sa selos. Ayoko ng papipiliin ako dahil sa selos. Ayoko ng sobrang selos. Ayoko ng papipiliin ako between him and my closest friends because I know that I will choose my friends.

Ayokong ma-disappoint. Ma-disappoint na hindi sya darating sa meeting place (o sige na date na kung date), na hindi sya tatawag kung kelan ako nag-iintay ng tawag, na malilimutan nya yung mga importanteng araw, na ipapako nya yung mga pangako nya. Yung mga maliliit na bagay. Oo, aminado ako, masyado akong demanding. At alam ko din na sa huli mababalewala yan lahat dahil may mas importante pa kesa dyan. Pero wala namang masama sa pag-iilusyon, di ba? hehehe.

Hindi ko kayang sabihin sa kanila na takot ako. Hindi takot na masaktan, nasaktan na ako dati. Hindi takot na maiwan, naiwan na din ako. Sa totoo lang, takot ako na baka sya ang masaktan ko. Takot ako na dahil sa mga ambisyon ko, masaktan ko lang sya. Takot ako na malaman sa huli na hindi pala sya yung totoong para sa akin. Takot akong mahalin yung taong mali.

I need my space. Mas madami yung time na gusto kong mag-isa sa bahay, mag-isang matulog sa malaking kama, mag-isa para bumasa ng libro. Ayoko ng 22 oras araw-araw eh kami ang mag-kasama tapos yung 2 oras na hindi kami mag-kasama eh kami pa rin yung mag-kausap sa telepono.

Tao lang din ako, kailangan ko din yung mga bagay na kailangan ng lahat ng tao pero hindi gaya ng karamihan ng tao, ako kelangan ko yung space ko kung kelan ko gusto. Nangangarap din ako ng Happy Ending para sa sarili ko pero alam ko kung kelan ako dapat gumising. Alam ko na kung alin yung totoo at kung kelan ko dapat sabihan yung sarili ko na "nag-iilusyon ka na hija".

Si papà lang yung totoong may alam at naka-intindi na I'm a head over heart kind of person. He realized that when I decided to stay here when he gave me the chance to go back to where my heart was. I decided to stop telling people that fact when I saw that they were giving me the "what-kind-of-a-person-are-you?-slash-your-heart's-made-of-steel" look. I hated it. I hated them. But I don't live in a perfect world; so, I adjusted to survive.

Call me selfish. Call me childish. Call me coward. I don't care. Basta ang alam ko lang, I'm not yet ready for a relationship and I don't know if I ever will be. At hindi ako papasok sa isang relasyon para lang ma-satisfy ko yung ibang tao kahit gano pa sila ka-importante para sa akin.


_____________
the final 8.
Italy won 1-0 against Australia.
off to the Quarter-finals. On the 30th (at Hamburg) against Ukraine.

Budweiser Man of the Match: Gianluigi "gigi" Buffon.



_____________
yur supir iro's words of wishdoom:

Never pretend to a love which you do not actually feel, for love is not ours to command.
-Alan Watts

signed,
who deemed @ 1:34 AM

read the 6 pessimistically addicted whisper to my ears







  -Sunday, June 25, 2006-
Meals for the single.

marami nag-sasabi na ito daw ang "tipikal" na meal ng mga single but who cares? i enjoy them all the same.

Big americans, pizza american style, frozen pizza.

frozen pizza

and

one of Mc Do's value meal.
Mc Do

who dare say that i don't eat healthy, look again. you see that orange thing behind the burger and the fries? that's a melon. a fruit.

_____________
fool's note:
Happy Birthday to insan Mel and to "kuya" Jai.
_____________
yur supir iro's words of wishdoom:

Family isn't about whose blood you have. It's about who you care about.
-Trey Parker and Matt Stone, South Park, Ike's Wee Wee.



signed,
who deemed @ 2:10 AM

read the 6 pessimistically addicted whisper to my ears







  -Thursday, June 22, 2006-
All paid jobs absorb and degrade the mind.

okei. i was gone because yours truly found a summer job (okei, it's the summer job who found me - i baby-sit), since it was my cousin & my uncle who asked me to do it and since i'm slowly goin' broke, i accepted the job. it starts at 8 in the morning and ends at 6 in the evening, monday to friday except wednesdays, that's my day off . see? i'm a very busy kid. if only they have internet connection where i work. sayang!
_____________
on my way home, i saw this mega TV in the middle of piazza del duomo, where alot of people were watching the Italy vs. Czech Republic game, of course, Italy won.
_____________
yan na lang muna, have to get up early tomorrow eh..
there WOULD be a long post coming soon.
_____________
yur supir iro's words of wishdoom:

Work saves us from three great evils: boredom, vice and need.
-Voltaire
_____________
i'm off to sleep .

ta-ta everyone! have fun and be safe!


haloscan old comments

signed,
who deemed @ 11:30 PM

read the 0 pessimistically addicted whisper to my ears







  -Saturday, June 17, 2006-
How do you celebrate a mass without a priest?





for tomorrow, June 18:

Happy Father's day! -din-i received this e-mail two days ago.. anyway,

Happy Father's day to all the "tatays" out there!

what's with the title?
hint: father's day = no father.

_____________
darn it! i was not able to watch the game tonight because i was at my cousin's and the little kids there chose Dumbo & Alice in wonderland over the Italy vs. USA game.
i heard it was a tie.. "nag-regalo" daw si Zaccardo ng isang goal sa kalaban. and i was also told that the assistant referee (yun ba tawag dun?) was an asshole! oh, well.

better-luck-next-time.

_____________
yur supir iro's words of wishdoom:
Numbing the pain for a while will make it worse when you finally feel it.
-J. K. Rowling on Harry Potter and the Goblet of Fire.

haloscan old comments

signed,
who deemed @ 11:57 PM

read the 0 pessimistically addicted whisper to my ears







  -Friday, June 16, 2006-
I più belli dei mondiali.

One of italian's weekly magazine, Chi (italian version of Who.) with the help of Paola Ferrari (TV journalist), Selvaggia Lucarelli (columnist), Lory Del Santo (actress), Isabella de Martini (psychologist) and Platinette, voted for the most sexiest/hottest attractive man of 2006 FIFA World Cup.

ladies and gents please give a round of applause for they who "were voted", the TOP 7:

il più bello dei mondiali (he who won), Alberto Gilardino.


2nd place, goes to Alessadro Nesta.
(hmm.. di ko 'lam sa inyo pero para sa'kin medyo tagilid eh.. or siguro dahil lang sa hindi ko type ang long hair.)



3rd placer, Michael Owen.


4th place for David Beckham.



5th is Luis Figo.


on number 6 we have Luca Toni.


and last but not the least, Cristiano Ronaldo. (how come he's "almost" always half-naked? heheh.)


do i think the "juries" were biased? absolutely!
_____________
scheduled games for tomorrow, June 17:


  • Portugal vs. Iran

  • Czech Republic vs. Ghana

  • Italy vs. USA



**Forza Italia, Forza Azzurri, Forza Italia**

_____________
yur supir iro's words of wishdoom:

A man can be happy with any woman as long as he does not love her.
-Oscar Wilde

haloscan old comments

signed,
who deemed @ 11:50 PM

read the 0 pessimistically addicted whisper to my ears







  -Monday, June 12, 2006-
The Italian national football team won.

*sing with me*
"siamo noi, siamo noi, i campioni (hindi pa sigurado eh ) più bravi dell'europa, siamo noi"

Italia won 2-0 vs. Ghana.
other results:
      • Australia vs. Japan. Australia won 3-1
      • US of A vs. Czech Republic. Czech Rep. won 3-0
scheduled games for tomorrow, June 13:
  • Korea Republic vs. Togo
  • France vs. Switzerland
  • Brazil vs. Croatia

i watched the game and it was a good one. it was like watching a suspense film. the italian team did well.. but they could have done better. i must say Richard Kingston was also good but those ghanese were a little too agressive. and Francesco Totti was injured.

team captain: Fabio Cannavaro.





nice face noh? heheh.

Italy’s midfield maestro Andrea Pirlo was the TSG’s choice for the Budweiser Man of the Match Award due to his energetic display in the Azzurri’s 2-0 victory over Ghana.


*change topik*
Pinay, Pinoy, nasang lupalop ka man ng daigdig... Malaya ka na Pilipinas! heheheh.
Maligayang araw ng Kalayaan!


_____________
yur supir iro's words of wishdoom:

Character is like a tree and reputation like its shadow.
The shadow is what we think of it; the tree is the real thing.
-Abraham Lincoln


haloscan old comments

signed,
who deemed @ 11:55 PM

read the 0 pessimistically addicted whisper to my ears







  -Sunday, June 11, 2006-
Christmas in June.



they say everybody loves christmas but i don't care about everybody,
if he loves halloween then i'd wish being halloween.


haloscan old comments

signed,
who deemed @ 8:09 PM

read the 0 pessimistically addicted whisper to my ears







  -Saturday, June 10, 2006-
sing with me, "Umuwi ka na bey-be!".

dahil hindi ko maintindihan kung bakit palaging nag-auto play yung song, kahit anong abracadabra ang gawin ko sa codes nya, kaya yung gusto nang background music (para mas feel yung pag-ka-homesick nya) paki-click dito.



hahay! mapapalibutan ako nang mga homesick, ganun talaga bakasyon na kasi sa eskwela eh.. pero napansin ko, madalas na-hohomesick mga tao dito pag:
  • Marso- kasi graduation month at bakasyon ng mga taga-P.I.
  • Mayo- gaya nung isa kong pinsan dahil daw sa Sta Cruzan at Flores de Mayo. (sabi naman ni tito, "bakit sasagala ka ba?")
  • Hunyo- dahil bakasyon na dito at syempre nabubulok nanaman sa mga bahay at matutuyot sa init ng panahon, ang problema lang yung mga pupuntahan mo sa P.I. mga balik eskwela/trabaho na dahil tapos na ang bakasyon nila.
  • Agosto- bakasyon na nang lahat ng tao dito, estudyante, trabahador at tambay.
  • Disembre- syempre pasko na!
  • Enero- dahil sa bagong taon, at sa mga katulad ko na galing S.P.C., Laguna (Wikipedia) , dahil na din sa town fiesta at para maka-panood ng mardi-gras.
sinamahan ko na pala ng background music ang post na ito, para mas feel di ba? heheheh..
pabalik na mga tita ko sa linggo.. at syempre nag-hihintay ng pasalubong!

_____________
last day na kanina sa eskwela, parang namang palaging pumapasok eh. kelangan nang humanap ng mapapag-kakitaan para hindi maburat sa bahay at kahit papaano ay may mailaman sa wallet.

_____________
2006 world football started today.

  • Germania (Germany) vs. Costa Rica = Germany won 4-2. **cheers to ate Racky**
  • Polonia (Poland) vs. Ecuador = Ecuador won 2-0.

scheduled game for tomorrow, June 10,2006:
      • England vs. Paraguay.
      • Trinidad and Tobago vs. Sweden.
      • Argentina vs. Côte d'Ivoire.
_____________
yur supir iro's words of wishdoom:

If you want to tell people the truth, make them laugh, otherwise they'll kill you.
-Oscar Wilde.

at pag-kayo ay sobrang stressado, asar sa bossing nyo or trip lang mag-wasak ng mesa pero gaya ko, can't afford din kayo, try this and tell me "who needs a desk?".


ta-ta' everyone!
have a great weekend at gaya ng dati:
have fun & be safe while you're at it!


haloscan old comments

signed,
who deemed @ 12:05 AM

read the 0 pessimistically addicted whisper to my ears







  -Wednesday, June 07, 2006-
Just bitching around.

i'm feeling a little bitchy lazy to rant blog about anything at the moment, yet i still have that urge to post something on my rather dull blog and life.

anyway, here's a video, I find funny. wait till it gets the man counting.





ta-ta' everyone!

__________
summer's coming!


haloscan old comments

signed,
who deemed @ 12:08 AM

read the 0 pessimistically addicted whisper to my ears







  -Sunday, June 04, 2006-
Si Lola Basyang ay isa ring Supir-iro!

may bagong gadget ang inyong supir-iro! (nyek!)



at dahil walang pera at namumulubi ako, i made sure na i'll get this one for free! oh ang galing di ba!? at bakit libre? dahil sa Fìdaty card (fidelity card) ng Esselunga, our trusted supermarket! hahaha!


sa totoo lang, nung una ito sana ang gusto kong kuhain dahil matagal na tumutulo laway ko dito, kaya pinag-iipunan ko matagal na, pero dahil alam ni mamma na ang pag-kuha ng mga piktyur-piktyur eh hindi lang simpleng lipas oras para sa akin kundi isang pas-yon, sabi nya reregaluhan na lang daw nya ako nito sa bertdey ko, kaya mag-intay-intay lang daw ako. (ewan ko ba, talaga bang halos lahat ng mga pilipino, pag-libre or mura, ang iniisip nila mas madali yun masisira? na mas matibay o masarap yung mas mahal? wala lang, lahat kasi nang kilala kong pinoy ganun mag-isip eh.) kaya naisip ko na ito na lang ang kuhanin, pero napag-isip-isip ko din na aanhin ko naman, di ba? hindi naman sya ganun ka importante at hindi ko din naman sya gaanong magagamit. tapos naalala ko yung sina una naming VHS-camcorder, na-hindi na gumagana ang battery, kaya napag-desisyunan namin ni mader na ito na lang kuhain. kelan kaya 'to mangyayare sa pilipinas? kelan kaya ako makaka-kuha ng kahit anong libre sa pilipinas for simply being loyal sa isang supermarket??

ibang istorya naman, nung may 30-31, dalwang araw akong walang tigil na tina-tawagan ni marzia, dahil mag-1 year na ang kanyang bebi. (hindi ako pumunta sa bertdeyan, sa ibang post ko na ipapaliwanag kung bakit)



next time na mag-kita kami, ibibigay ko ito sa kanya, ito ang regalo ko sa bebe nya, ang mga kwento ni lola basyang (italian version??? hehehe!)



a 237 page-long book.

at walo ang bidang kwento nya:

1. Little Red Riding Hood
2. The Adventures of Pinocchio
3. Sleeping Beauty
4. The Tinder Box
5. Cinderella


6. Short stories by Tolstoj (21 short stories)
7. Snow White and the Seven Dwarfs
8. Enchanted (magical?) stories with Elves, Dwarves and Faries. (3 sub-stories)


maraming nag-taka, nag-taas ng kilay, tumawa at umangal sa desisyon ko na yang librong yan ang i-regalo, kasi daw hindi naman marunong bumasa yung bata. (duh! alam ko kaya!) ang akin lang naman kasi eh, ibibili ko ng damit na sobrang mahal tapos baka 3-4 na beses lang nya magagamit kasi mabilis daw lumaki ang mga bata, tapos na tatambak na, kung laruan naman, ganun din, chaka laruan na regalo ko sa kanya nung pasko, kaya sabi ko 'tong libro na lang, syempre may nanay naman si gabri para basahan sya, atleast, hindi masasayang magiging useless agad ang 40 euro ko, di ba? ah basta! wala na naman silang magagawa eh, nabili ko na! hehehe!

oh sya, sige, ba-bye na ulet.
wenkyu sa lahat ng nag-tag, nag-comment, nang-yapos at dumaan!

ta-ta everyone!


_____________
fool's note:
wala! hehehe!

haloscan old comments

signed,
who deemed @ 4:47 PM

read the 0 pessimistically addicted whisper to my ears







  -Friday, June 02, 2006-
Wala akong maisip na title.

una, why are americans so obsessed with conspiration?? yung huli na narinig ko eh yung tungkol sa twin towers & yung sa pentagon (not to talk about the 7th building!). kesho ang nag-pasabog daw sa WTC eh ang CIA oh tapos daw yung may ari naman (si Mr. Larry Silverstein, dahil daw sa insurance) ang nag-plano nun pinuno daw ng mga bomaba, at yung sa pentagon daw ay missile daw yun at hindi eroplano. wala lang para kasing napansin ko na sa lahat na lang nang bagay basta pag-may chance sila they're always shouting "conspiracy! conspiracy!".


anyway, yung boarders namin ay mag-babalik na sa kanilang lupang sinilangan sa ika-13 ng june dahil ikakasal yung panganay nilang anak. isang linggo nang pabali-balik dito sa bahay yung mga taga-forex (sa mga hindi alam kung ano yung forex, para syang DHL, only cheaper).

ito ang laman ng kahon nila...


first batch pa lang yan... mga 5 box puro ganyan ang laman.



sa mga nag-tataka, hindi naman puro corned-beef ang kina-kain nila sa pilipinas at bukod sa pag-to-tooth brush ay may mga iba pa namang silang ginagawa. heheheh. kompara kasi sa pilipinas mas mura talaga dito tsaka okei daw na pasalubong yun sa mga hindi mo kamag-anak na dadalaw bigla sa bahay nyo dahil may balik-bayan.. heheheh. the box, i can say, is fairly big and it is cheap (90 euro), kaya nga lang 30-45 days before sya makarating sa destination (kaya pala mura!).

i'm happy that they are leaving, yes, i am happy. kasi pag-balik nila sa july lilipat na sila sa ibang bahay. i'm not being bad. believe me. ang gulo kasi nila, ang gulo ng sitwasyon nila, (ang buhay may asawa), tapos ang dumi pa nila sa bahay, tapos basta yung mga maliliit na bagay, tipong alas-7 ng umaga (take note: linggo yun ah) eh, mag-sisigawan sila dito, shempre gising buong bahay, parang mga walang respeto, hindi nag-lilinis ng bahay o kahit ng lugar nila. pero mababait naman sila, wag lang kasama sa bahay. heheheh.

ang isa sa mga maliliit na bagay na ginagawa nila, nag-tatambak sila sa ref. ng mga pagkain kahit expired/bulok na.


nga pala, dati wala kaming boarders, pero nung nag-retire na si papà, napag-desisyonan na kumuha ng boarders dahil yung binabayad nila(250 euro/month isang room yun, mababa lang yun kasi ang normal na bayaran dito 175-200 per person/month), yun yung pinag-bibisyo namin. heheheh.

si papà = tong-its; si mama = pagkain/kaldero/take home pizza; ako = dsl/dvd's/book/etc.

pinaka-magastos yung bisyo ni papà and since ngayon naman eh wala na yung bisyong magastos, we decided na masyado nang crowded dito. but we're all stil friends, na-intindihan naman nila eh (syempre hindi namin sinabi na dahil sa maliliit na bagay kaya sila aalis).

isa pa-ulit na anyway, hindi ko maintindihan kung bakit walang maltesers at secret dito! badtrip! tinipid-tipid ko pa yan para wag agad maubos! kaso ngayon ubos na!


pero, consolation prize ito mahahanap mo sa mga asian stores dito, kahit likas papaya meron! ahahahah!


oh, sige napa-haba na naman ang post ko...
ba-bye na muna!

bayaran kaya ako sa mga advertisement na pinag-gagagawa ko?? palagay nyo? hhmmm.

ta-ta ev'ryone!
have fun & always be safe!

_____________
fool's note:

holiday bukas- Festa della Repubblica/Costituzione.
dadami na naman ang tambay.



signed,
who deemed @ 2:10 AM

read the 0 pessimistically addicted whisper to my ears







Profile
[-]

``Essentials``
Moniker: [dindin], geri, gerald, gie
Birth date: September 27
Location: Milan, Italy
Religion: Roman Catholic
Astrological Sign: Libra
High School: Canossa College S.P.C., Laguna
College: IIS- Kandinsky -Milan, Italy


``more of me``
``blogger profile``


Previous Postings
[-]

Monthly Archives
[-]

Contacts
[-]



msn messenger: acayebin8@msn.com





i'm on friendster


Links & Listings
[-]

South Border
[-]


HUG ME, please? =)


TOTAL *HUGS*!
show me some *love* (CLICK ME!)




Tag

MSG. TO EVERYONE:
"Moved to Dindin's World"



Updates on other Blog
[-]



Credits
[-]

Blog Hosting: blogger. Image Hosting: photobucket. Online Counter: free-scripts. Site Search: freefind. Tag Board: tag-board. Comments: haloscan. Weather: weatherpixie. Counters: coolcounters. Hugs: toxin. Domain: freedomain. Scripts: createBlog. Lay-Out: gersar. Graphics: GoogleRicercaImmagini. Dividers: Glitter Graphics.