sa totoo lang, nung una
ito sana ang gusto kong kuhain dahil matagal na tumutulo laway ko dito, kaya pinag-iipunan ko matagal na, pero dahil alam ni mamma na ang pag-kuha ng mga piktyur-piktyur eh hindi lang simpleng lipas oras para sa akin kundi isang pas-yon, sabi nya reregaluhan na lang daw nya ako
nito sa bertdey ko, kaya mag-intay-intay lang daw ako. (
ewan ko ba, talaga bang halos lahat ng mga pilipino, pag-libre or mura, ang iniisip nila mas madali yun masisira? na mas matibay o masarap yung mas mahal? wala lang, lahat kasi nang kilala kong pinoy ganun mag-isip eh.) kaya naisip ko na
ito na lang ang kuhanin, pero napag-isip-isip ko din na aanhin ko naman, di ba? hindi naman sya ganun ka importante at hindi ko din naman sya gaanong magagamit. tapos naalala ko yung sina una naming
VHS-camcorder, na-hindi na gumagana ang battery, kaya napag-desisyunan namin ni mader na
ito na lang kuhain. kelan kaya 'to mangyayare sa pilipinas? kelan kaya ako makaka-kuha ng kahit anong libre sa pilipinas for simply being loyal sa isang supermarket??
ibang istorya naman, nung may 30-31, dalwang araw akong walang tigil na tina-tawagan ni marzia, dahil
mag-1 year na ang kanyang
bebi.
(hindi ako pumunta sa bertdeyan, sa ibang post ko na ipapaliwanag kung bakit)