warning: long post. if you are uber-sensitive and hates cheesy stuffs. then go away. come back some other post.
Last night, I had this “wake-up” dream.
I was in a relationship with an old friend.
take note: I was in love with this guy and everyone and I mean everyone, even our profs. thought that sooner or later we’d end up together! Hahaha! If you’re asking if he also felt the same thing, I don’t know and I guess I never will.. we’d joke about it but we never seriously talked about it. I supposed we were both afraid of “ruining the friendship”. If you’re a friend from high school: alam ko kung sino iniisip mo. it’s not who you think he is. Trust me. Plus, I know that he’s happily committed now. So, let's just drop it.
Anyway, I don’t think na may connection sa dream ko yung kung sino man ang mga kasali sa panaginip ko, sila yung kasali kasi sila yung mga kakilala ko. It doesn’t matter kung siya man or si Johnny Depp ang kunyari kong boy-friend sa panaginip. Ang importante eh kung ano yung na-realize ko sa panaginip ko.
Going back to the dream. It started sa isang café, we were having a drink with friends. We were doing all those cheesy things that couples do, you know, the cuddling and all. That’s when I realized that he was my boy-friend. Tapos, bigla-bigla na lang nasa supermarket na kami, tapos sa may cashier nung mag-babayad na sya, habang kumukuha sya ng pera sa wallet nya I took my shopping bag at run away. Ganun na lang. Biglaan. Shocked nga ako eh. Paki-ramdam ko nga nung time na yun nanunuod ako ng pelikula. Syempre, he ran after me, asking for explanations. Tapos ayun, nasa parking lot na kami. I didn’t want to talk at the moment, binato ko sa kanya yung plastic bag. Hahahah. Tapos, biglang andun na ako sa isang lugar na hindi ko alam kung anong lugar yon, basta mukha syang canteen sa loob ng hotel. Oo, canteen sa loob ng hotel, panaginip nga eh. at maraming tao, hirap i-explain eh, basta maraming bench, medyo madilim parang black & white, na lahat ng tao eh naka-white shirt, tapos may hagdanan pero mga 15-20 steps lang, ang ilaw nga kulay orange eh, tapos sa taas coloured na,alam nyo ba yung madalas na kulay ng ilaw ng mga chandeliers? Ganun. Nasa baba pa rin ako, when i saw his brother and i was crying. Aaccckkk. Me, crying? Four years in highschool and i cried less than 7 times sa harap ng mga schoolmates/classmates ko. And i was asking him, “asan kuya mo? I need to explain to him”. Hindi na maka-hinga sa kaka-iyak. I was thinking to myself, yes while dreaming, “This is definitely not me”. Di ba nga para na akong nanunouod ng pelikula? Hindi ako sigurado kung sumagot ba sya or hindi, wala syang boses? Hindi ko rin alam. Basta tinapik nya ako sa balikat tapos umakyat na ako sa hagdan, tapos like any other movie, andun yung kuya nya, weird nga eh parang we was actually waiting for me. Tapos biglaan ulit naka-upo na kami, ang inuupuan namin yung upuan na parang sa eroplano, hahahah. magkaharap kame at may lamensa sa gitna, weird... but it is after all a dream.
Eto na yung pina-ka-importanteng part ng panaginip, he held my hands.
Me: syepmre, mega iyak pa din. sorry. I didn’t want to hurt you. Him: I know. Me: kaya lang, nasasakal na ako, paki-ramdam ko sobrang akong na-pre-pressure. Him: Nasasakal ba kita? Me: iling. No. Mahal kita pero hindi pa ako ready sa commitments Him: tahimik. tungo sabay sabi, so, pano na? Me: I shrugged. Him: no, commitments? Hhhmm.. obvious na kung ano gusto mo mangyayare... Me: but i want you to know, i mean, you do know na mahal kita. Him: i know.
***gising na, kakayod ka pa***
ayun nagising na ako. galing ng timing noh?
Dahil bente-uno anyos na ako at yung mga pinsan ko dito at yung mga ibang bata dito eh onse anyos pa lang may boy-friend ng inuuwi sa bahay eh madalas akong matanong kung bakit daw wala akong boy-friend, dati hindi ko alam ang isasagot kaya sinasabi ko na lang “wala pa nabubulag”, hindi ko alam kung bakit but somewhat people find it funny and eventually accept it as an answer.
Ngayon alam ko na kung bakit... pero syempre yung isasagot ko “wala pa nabubulag” pa din.
Hindi ko kayang sabihin na hindi pa ako ready na mag-commit. Hindi ko kayang sabihin na takot ako pag-seryosohan. Na ayoko na kung may gusto akong gawin eh kelangan ko pang huminggi ng permission sa ibang tao, ayoko yung thought na hindi ko pedeng gawin yung gusto kong gawin, kung kelan ko gustong gawin dahil may isang tao na dapat kong isipin yung magiging reaction nya. Ayoko ng babawalan ako na maki-pag-usap/sumama sa mga taong gusto kong kausapin at samahan. Ayoko ng away nang dahil sa selos. Ayoko ng gulo nang dahil sa selos. Ayoko ng papipiliin ako dahil sa selos. Ayoko ng sobrang selos. Ayoko ng papipiliin ako between him and my closest friends because I know that I will choose my friends.
Ayokong ma-disappoint. Ma-disappoint na hindi sya darating sa meeting place (o sige na date na kung date), na hindi sya tatawag kung kelan ako nag-iintay ng tawag, na malilimutan nya yung mga importanteng araw, na ipapako nya yung mga pangako nya. Yung mga maliliit na bagay. Oo, aminado ako, masyado akong demanding. At alam ko din na sa huli mababalewala yan lahat dahil may mas importante pa kesa dyan. Pero wala namang masama sa pag-iilusyon, di ba? hehehe.
Hindi ko kayang sabihin sa kanila na takot ako. Hindi takot na masaktan, nasaktan na ako dati. Hindi takot na maiwan, naiwan na din ako. Sa totoo lang, takot ako na baka sya ang masaktan ko. Takot ako na dahil sa mga ambisyon ko, masaktan ko lang sya. Takot ako na malaman sa huli na hindi pala sya yung totoong para sa akin. Takot akong mahalin yung taong mali.
I need my space. Mas madami yung time na gusto kong mag-isa sa bahay, mag-isang matulog sa malaking kama, mag-isa para bumasa ng libro. Ayoko ng 22 oras araw-araw eh kami ang mag-kasama tapos yung 2 oras na hindi kami mag-kasama eh kami pa rin yung mag-kausap sa telepono.
Tao lang din ako, kailangan ko din yung mga bagay na kailangan ng lahat ng tao pero hindi gaya ng karamihan ng tao, ako kelangan ko yung space ko kung kelan ko gusto. Nangangarap din ako ng Happy Ending para sa sarili ko pero alam ko kung kelan ako dapat gumising. Alam ko na kung alin yung totoo at kung kelan ko dapat sabihan yung sarili ko na "nag-iilusyon ka na hija".
Si papà lang yung totoong may alam at naka-intindi na I'm a head over heart kind of person. He realized that when I decided to stay here when he gave me the chance to go back to where my heart was. I decided to stop telling people that fact when I saw that they were giving me the "what-kind-of-a-person-are-you?-slash-your-heart's-made-of-steel" look. I hated it. I hated them. But I don't live in a perfect world; so, I adjusted to survive.
Call me selfish. Call me childish. Call me coward. I don't care. Basta ang alam ko lang, I'm not yet ready for a relationship and I don't know if I ever will be. At hindi ako papasok sa isang relasyon para lang ma-satisfy ko yung ibang tao kahit gano pa sila ka-importante para sa akin.
_____________ the final 8. Italy won 1-0 against Australia. off to the Quarter-finals. On the 30th (at Hamburg) against Ukraine.
Never pretend to a love which you do not actually feel, for love is not ours to command. -Alan Watts
signed,
who deemed @ 1:34 AM
6 rants and raves:
Anonymous
whispered at Tuesday, June 27, 2006 7:04:00 AM
heyyy... may bago na naman akong tawag sau... "mambubulag" hehehe... siguro ayaw lumapit sau ng mga guys baka bulagin mo sila hahaha..
uhum... bata ka pa naman... 21yo pa lang... maybe in a 10 years time makakatagpo ka rin ng guy para sau.. ready ka na siguro nun sa commitment.. hope frends pa rin tayo after dat para makwento mo sa akin hehehe... frend mo na nga ba ako? ehem
ang buhay ay parang life hehehe... parang survival... ang mga heartaches ay parang spice na nagpapasarap at nagpapadagdag ng kulay sa buhay..
ang iyong lingkod,
kuya kneeko
yuri
whispered at Tuesday, June 27, 2006 8:59:00 AM
hmmmm.. single pero pakipot ka din2 ha... hmmmm.. kurutih kya kita bdyan! hahahaha
nixda
whispered at Tuesday, June 27, 2006 8:10:00 PM
u can't hurry love ... no u just have to wait ... kanta yata 'yon?! heheh
darating din ang para sa iyo :) ganyan naman kapag single pa, kapag nag-asawa na mas maraming haharaping problema kaya enjoy ka muna!
Dindin
whispered at Tuesday, June 27, 2006 11:06:00 PM
kuya joe d'mango este kuya kneeko pala. hehehe. mambubulag? hindi naman. pag lang masyado na silang lumalapit at 5 meters na lang ang layo nila, tinutusok ko sila sa mata ng stick ng lollipop. hehehe. bata pa talaga ako, yun din palagi ko sinasabi sa mga tao dito kaya lang ayaw nila eh, ikaw nga mag-paliwanag sa kanila. =) 10? mga 15 pa, yun siguro magiging ready na talaga ako kasi kung hindi baka ibugaw na ako ng mga tita ko dito para lang wag tumandang dalaga. hahaha. may masarap na recipe ka ba para sa life? =P uu naman, friends tau, kuya. inom ka muna cough syrup ha, inuubo ka na yata eh. ahahaha!
gandang yuri pakipot? hindi ah. hindi nga ako naniniwala sa ligaw-ligaw eh. hehehe. talagang nag-pipilit lang na maging single.. sakit sa ulo eh.. pampagulo lang at pampa-delay para magawa ang mga ambisyon eh. hahahaha.
ate neng
"Ate Neneng said You cant hurry love No, youll just have to wait She said love dont come easy But its a game of give and take You cant hurry love No, youll just have to wait Just trust in a good time No matter how long it takes"
don't worry i'm not in a hurry naman eh, the later the better. madami pa akong dapat at gustong gawin. pampagulo lang yan. hindi ko pa nalulubos-lubos ang pagiging bata at single ko. hehehe.
Anonymous
whispered at Wednesday, June 28, 2006 6:58:00 AM
di kanta yan ang "mambubulag?" este mambobola pala hahaha... matulis ba ang stick ng lollipop mo hehehe... anlayo ng 5meters huh wheew..
15yrs pa? 36 ka na nun... malapit na menopause hehehe....
"enjoy life... keep smilin always" motto ko yan...
ayoko inom cough syrup.... juice, water ok na hehehe... friends huh til makapag-asawa ka hahaha
Dindin
whispered at Thursday, June 29, 2006 10:55:00 PM
meron bang kantang mambobola?? bababaero ang alam ko meron. heheheh.
36, lapit na agad sa menopause? mga tita ko 50-55 yrs. old na nung mag-menopause noh. hahaha.
ayaw mo, time is gold? heheh.
cge inom lng ng inom.. uu, friends tau.. basta sa 2008 ninang ako ng first-born mo. ahahahah.
Phearly. -Bonne Nuit Y Dolces Suenyos'' Joan. -The One In France'' Patty. -Let Her Spin.'' Bem.(the cat lady at myspace)'' Janina.'' deranged creativity.'' Hanagirl. -In Her Utopia.'' Reena. Glamour Girl [-password protected-]'' Lei. -With The Whiteskyproject.'' Frustrated Writer.'' Goldi. -On Shifting Sands.'' Lokita.'' Bing. -With The Warmth In The Coldness Of Life.'' Elle. -In Her Room.'' Lyka. -Soulembracer.'' Rex. -The King Of Chocolates Is Typing Out Loud.'' Neneng. -Rackyroad.'' Neneng. -No Angel's Kodak Moments.'' Issa. -Sprinkling A Few Amber Drops.'' Jochie. -And Her Adik Lyf.'' Karla. -frail-ty n. pl. frail-ties.'' Empress Maruja. -Random Lives of thy Royalty.'' Kneeko. -The Zephyr Touch.'' Yuri. -Flight Manual For Dummies.'' Agring. -The Art Of Friendship.'' Rain. -Gray Tales.'' Trish. -Some Like It Hot.'' Rho-anne. -Por Diz Coz.'' Garnet Girl. -transitions, overtime, for a life time.'' Jase. -LIFE FUNTASTIQUE; the journey continues.'' Au. -Musings and Feelings.'' Mr. Jim. -Writing On Air.'' Jai. -Hemorage.'' Jamie. -The Princess Jamie Chronicles.'' Pipay. -Panday & Eden on the garden. Dreaming!'' Carmela. -Loves being a Mom and a Wife...'' SBST-eu. -SB STREET TEAM-eu!'' RalphT. -kadramahan. kalokohan. kakulitan.''
---
---
Any problems with the links, please let me know.
Thank You!
For link exchange, e-mail, IM or leave a message on the taggie.