-Thursday, September 29, 2005-
Always late!
One of the reasons why Asmae gave me a wrist watch for my birthday is because I'm always late.
What I don't get is... why on earth did Marzia gave me a BSB concert ticket... hahaha!
Mahal na daw buhay ngayon... kasalanan daw ng Euro.. kaya siguro puro late darating mga regalo ko.. hahaha! Anu ba natanggap ko? 3 lang, isang relo from Asmae, isang concert ticket from Marzizia [& her family], at 50 euro from ate lina [& her family]
yung iba (take note: hinde ako huminggi.. gusto ko ngang pag-babatukan eh, kasi parang pag-birthday mo dapat may regalo sila sa'yo, pag-wala mga feeling guilty! sabe ko nga okei na yung naalala nila na birthday ko eh..) sa mga bandang december na daw bago mag-christmas!
What else? wala na naman akong maisip.. sa totoo lang wala lang talaga ako sa mood.. kahit hinde ako lumabas ng bahay today, I feel so tired.. sabe nga ni Doc, I'm so stressed... hhhaaayyy...
Pahabol burpday greetings from:
ate_Beth, ate_Lina, kuya_Louie & Michael, tita_Haydee, tita_Gina, Pretty_Acee, Best_S5, ate_Thess, Aileen, Els, Kuya_Em, ate_Tet, Rob [sosi na! hinde na jun! haha.. nagbibinata daw sabe ng pinsan ko! hehe], Hanagirl, Patty, Francielle, prof. Rossetti, Ale, Alessandra, Axe, Liliana, Tina, Patty, Mary, Patricia, Patrizia and Amina
signed,
who deemed @ 10:41 PM
-Tuesday, September 27, 2005-
Touched!
Uh-huh! I'm so touched! hehehe.. people remembering it's my burpday! =D and at the same time medyo down din.. I mean I received greetings from the people I least expected.. and got nothing from my peeps.. (or so I thought dey wer) it'z all good though.. walang samaan ng loob =D
Anyway, I received some (confusing?) messages na medyo gumulo sa utak ko.. haha!
ito yung isa... this is from my former Math Elec. teacher (back in highschool sa Canossa) na ngayon eh lumipat na sa US of A. I didn't even know na kilala pa nya koh... or ng kamali lng si sir ng pinag-sendan?! hhmmm..
** as said, the 24th ain't my birthday.. then, the relpy thingy, then the "ge"... people back in HS called me by my first name or by "din-din", kung meron mang konti na tumatawag sa'ken ng "geri", mas kaka-unti ang tumatawag sa'ken ng "ge" tipong mabibilang ko lng sa daliri ng isang kamay.. hehe.. anyway, kahit ng kamali lang si Sir or talagang napa-aga lng ang bati nya.. thank you pa din! __very much appreciated!__
sunod, tama bang ipa-alalang matanda na ako?! hehe.. "wish" nya daw sana hinde na 'ko isip bata... ang masasabi ko lang.. "keep wishing, kapatid!" hehe.. No, seriously, I think I've matured.. and all, but still, I know that it ain't enough, I mean look at me.. I'm 21, I still live at my parent's, I'm unemployed, I don't help in paying the bills, and I'm still in college..
One of the most (touching?) memorable greetings I got this year, is the one posted by sis Bem, hinde ko alam kung maiiyak ako or matatawa.. hehe.. :
oist din-din!!
bruha kaw!!
hinintay kita sa ym nde ka nman dumating...!! hehehe...!! ayosh lang..!!
Happy Birthday sistah!!
gwabesh!! 21 ka na!! wahehhee....!!!
wish..wish.. wish... here it is...
ever since we met, i havent heard a boyfriend from you!! ehhehee!!
so ang wish ko sau eh sna at your age.. makahanap ka na ng boyfriend mo..!! boyfriend that will love you with sincerity, loyalty, a love that is felt deeply coming from the heart.. not from the mind..!! and yung bf na nde ka lolokohin at papaiyakin!! naku..!! ang tgal kang walang commitment... mga 5 years na tapos unfair naman pag ung nahanap ka eh lolokohin ka lang dba?!! hehhee... i'll be happy to hear from you that youre inlove with the guy who is so much inlove with you..!! awwww.....!!
LOVELIFE major wish ko for you!!!
shempre... i also wish you...the ff:
.. good health.... triumph.... long life..... prosperity.... more stregth.... wisdom..
and...
... stable internet connection.... maintenance on your laptop to keep us connected!!
thank you so much dindin!! all these years.. you've never turned your back to hear my sentiments..!! you're miles away but you make me feel like you're just here.. listening and giving me courage to go..!! go..!! go..!!! hehehee!!! thanksomuch for everything!!! for believing in me..!! loveyah sis..!! hope to see yah after my grad..!! mwahh!!!
anyway, mamaya, (it's almost 2 in the morning here) I'm having dinner with some friends.. baka may mapupulot ulit akong kwento or something.. hehe.. babush pipol!
TANONG: "When is your Burpday and What do you want for your Burpday?"
mine's today, 27th of Sept. uuummm... I want.. uumm.. my driver's license!! hehe.. *dream on!*
Special thanks goes to: Sir Nilo, Mikel, Aiza, cousin Kets, Bem, Pat, cousin Mel (kung may nakalimutan "SORRY.. =D ")
and also to: Patty, Patricia, Phearly
P.S.
People of the cyber space, ang sagot po sa TANONG section, eh ipinapaki-usap na i-post sa comment, or kahit sa Tag board, wag nyo po i-e-mail/YM/message sa friendster, kung ayaw nyo po pakilala, invent a name, noh?! hehe..
signed,
who deemed @ 1:35 AM
-Saturday, September 24, 2005-
Cyber Stupid, Canossa at ang Babaeng Bwiset!
okei, alam kong hinde ako isang genius lalo ng hinde ako isang cyber geek.. pero yung tawagin akong isang cyber stupid eh mejo exaggerated naman yata... kaninang umaga, pag-gising ko sabi ng cell ko may isang message daw ako, kung sinong sender, hinde ko rin kilala ang number nya, (gusto ko sanang i-post dito kaso nabura ko na) ang laman eto:
"hay nako, ang alm ko plgi ka nka-ba2d s laptop mo at nka-konekta s intrnt, sna lng pg nk-ol k e wg k lng YM ng YM, sna dn mnsan e mg-praktis k s MSN! lam k n kung sn k nka-tira & alm n dn ng lht ng nsa add. buk mo! 1 p, hndi m b lm n dlikdo k?!? bt kng kni-knino m bnbgy ang add. nyo?!? o sna mn lng hndi m s intrnt ikinkalt ang add. nyo!"
longer version ng text (para sa mga hinde txt adiks! hehe): “hay nako, ang alam ko palagi ka naka-babad sa laptop mo at naka-konekta sa internet, sana lang pag-nka-OnLine ka e wag ka lang Yahoo Messenger ng YM, sana din minsan e mag-practice ka sa MSN! alam ko na kung san ka naka-tira & alam na din ng lahat ng sana address book mo! isa pa, hindi mo ba na delikado ka?!? bakit kung kani-kanino mo binibigay ang address nyo?!? o sana man lang hinde mo sa internet ikinakalat (ikinalat ko ba?! ha?!) ang address nyo!
akala ko tapos na kaya dead ma ko lang, wala naman kasi talaga sa ugali ko ang pumatol at bumaba sa level ng mga ganung tipong tao pero meron pa pala kasunod (dumating after mga 30 mins. naubusan siguro ng load ang gaga!)
2nd message:
alm k n pla kng bat ok lng sau ikalt ang add mo kc lht nga pla ng grad s canosa eh mga sloth! at hore! pro ka2rtehn s ktawn at wla nmng mga utak kya ang dming nabu2nts! puro kaarthan s intrnt, mga hi-tech, pro cyber stupid nmn! 1 p kung pde tgilan mo n ang bf ko! ndi sya intrsdo sau! o kht knino png kaibign mo!
alam ko na pala kung bakit ok lang sa’yo ikalat (abah, ang kulit talaga! ikinalat ko ba?!) ang address mo kasi nga pala graduate ka sa canossa (dahil dito naisip ko na taga-san pablo or laguna ang babaeng ‘to) eh mga sloth (eh? ano kamo?) at hore (hole o whore?)! puro kakaartehan(???) sa katawan at wala namang mga utak kaya ang daming nabubuntis! puro kaartehan sa internet, mga hi-tech, puro cyber stupid naman! isa pa kung pede tigilam mo na ang boy friend ko! Hindi sya interesado sa’yo! o kahit kanino pang kaibigan mo!
aba, aba, aba! sumosobra ka na! kaya reply naman ang inyong yours truly! (hindi ko na matandaan kung ilang SMS ang na-send ko sa kanya dahil sa tagal ko ng hindi adik sa text hirap na 'kong mag-short cut ng mga salita kaya mejo madami-dami din) **pero teka lang, promise na sa normal na version ko eh hindi ako ganito kataray (ows, talaga?), sa totoo lang isa na yata ako sa mga taong pinaka-mahaba ang pasensya at kalmadong tao. totoo! kahit tanong nyo pa sa ibang tao!
** oh, game na:
una, sinong demonyo(a) ka?!? kung nag-bababad man ako sa harap ng laptop ko, sa internet o sa kung ano mang bagay, wala 'ka na don! hindi naman ikaw ang mag-babayad ng dsl ko at nang kuryente namin! pangalawa, kung chat lang ako ng chat o kahit maghapon at magdamag kong titigan lang ang reflection ko sa screen wala ka na don, bat ba paki-alamera ka? Oo, tao lang ako at may karapatan akong mag-kamali, kung nasira man ang buhay mo dahil sa e-mail ko, wala akong ibang masasabi kundi "sorry". pangatlo, tama ka din, siguro hindi ako isang cyber genius at nakiki-pag chat ako, ako kasi may buhay maliban sa internet, at isa pa atleast sa’ken may mga taong gustong maki-pagchat, hinde kagaya mo na walang gustong maki-pag-usap kaya walang maka-chat! pang-apat, kung kanino at kung paano ko ibinibigay ang address ko, eh problema ko na yon, hindi naman ako ganoon ka-tangga, kung ibinibigay ko ang address ko nang ganun, ibig sabihin may tiwala ako sa humingi, hindi ko maintindihan kung concern ka sa'ken (imposible!) o inggit ka lang kasi sa address mo walang interesado?.. at kung sa tinggin ko (o nang mga taong kilala ko) delikado ang internet, meron pa din akong dahilan kung bakit sa e-mail ko yun pinadaan, ibig sabihin siguro kahit gusto pa ng isang hacker na mag-akyat bahay sa amin o ipag-bili sa mga akyat-bahay ang address namin, eh imposible yung mangyari, dahil sa may kanto pa lang maiisip na nyang wala syang pag-asa. pang-lima, utang na loob, wag mong isali ang canossa sa mga katanggahan mo! kung may mga nabuntis man sa mga dating istudyante ng canossa, personal choice nila yun, gaya ng lahat may karapatan sila to live their lives as they wish to, wag mong sabihing (alam kong 'to ang iniisip mo! wag mo itatangge!) lahat ng nabubutis eh puro taga-canossa?! please lang, pede ba! pang-anim, kami pa ngayon yung mga puro kaartehan sa katawan? yung mga walang utak? sa susunod bago ka mang laet check mo muna ang mga pang laet mo, ano nga ulit tawag mo samen? sloth? san mo naman yun naputlot? (slot machine?) you mean slut, at chaka ano pa nga yung isa?! you meant “whore”? tsk, tsk, sino kaya sa’ten ang walang utak?! sige, cyber stupid na kung cyber stupid, keso sa’yo na plain & simple “stupid!”. pang-pito, kung sa bf mo naka-address ang e-mail ko, bat ikaw ang naka-recieve?! sino sa atin ang walang utak na bumabasa ng mail ng iba?! at huli, wala akong balak agawin sa’yo ang bf mo, kung sino man sya! masyado na akong maraming problema para problemahin pati ang pag-agaw sa bf mo, at hindi ko ugaling mang-agaw ng bf ng may bf! kung may problema ka sa bf mo, sya kaya ang kausapin mo at wag ako o ang mga kaibigan ko ang pag-initan mo! dahil sinisiguro ko sa’yo na wala akong balak i-boy friend ang bf mo at kahit sa panaginip hinde ko pinangarap na mag-karon ng cyber bf! sana ito na ang una’t huli nating pag-uusap, (dahil wala na akong balak maki-pag-usap sa isang insecure, mang-lalaet at feeling... na kagaya mo!) i-delete mo na ang number ko sa’yo dahil siguradong i-dedelete ko na din ang number mo!
dahilan kung 'bat ako tinawag na isang cyber stupid? tingin ko obvious na pero ipapaliwanag ko pa din.. hehe.. ganito kasi yun.. (umpisa na naman ng malanobelang kwento! hehe!) ang isa sa mga ate ko, (si ate thess) na nakilala ko sa bb (na wala na ngayon) hiningi ang mailing address ko, ako naman being the addict that i am, kahit pagod na pagod sa byahe galing sa iskul (T.N. mga bandang alas-11:30 na 'to ng gabi) todo check pa din ng mails, hehe... eh di yun nga nakita 'ko yung e-mail ni ate thess kaya nag-reply naman ako, ang hinde ko alam (na kanina ko lang nalaman dahil sa na sabing text at may isang nag-reply, si cousin mel) eh lahat pala ng nasa isang group sa address book ko (sana naintindihan nyo kasi hinde ko na kayang ipaliwanag ng mas maayos) eh nai-insert ko sa address na pag-sesendan, (naintindihan nyo ba?) kaya yun, ang dami palang naka-receive nung e-mail na yun. sa mga naabala at nasira ang buhay dahil sa e-mail ko, sorry po, hindi ko sina-sadya! grabe! ang babaw talaga ng babaeng 'yon! e-mail lang eh, parang sinira ko na kinabukasan at buhay nya.. hindi sana bale kung ang laman ng e-mail eh "declaration of love" ko para sa bf nya.. bwiset talaga! panira ng araw!
++pasensha na ka'yo pati kayo napapagod sa mahabang entry++
TANONG: "Okei lang bang basahin ng gf/bf ang mails ng bf/gf nya?"
What I think? No, kahit bf/gf mo ang isang tao, or married na ka'yo kung hindi naka-address sa'yo ang letter, hindi mo 'to dapat basahin, dapat i-respeto mo yung "kanya" para i-respeto nya din yung "iyo".
signed,
who deemed @ 11:50 PM
-Thursday, September 22, 2005-
Pang-gabe, Tula ni BEM at Tatanungin ko na lang muna kayo.
Okei, kanina nag-start na ang klase namin.. okei naman, 17 kami sa klase, at gaya ng dati ako lang ang pinay! Pero okei lang din, mababaet naman sila eh... Wala mashadong nangyare kase puro pakilala lang muna, sa lunes pa daw ang start ng lessons.. Anu pa ba? ahh.. I posted one of sis bem's poems here pls. iwan kayo ng comments, on what you think 'bout the poem.
Hmmm.. wala na 'ko maisip... kanina nung nasa bus ako, ang daming tumatakbo sa utak ko... kaya lang ngayon hinde ko na maalala... edit ko na lang pag-naalala ko na.
At since, mawawala na ang "MY RELIGION TEACHER SAYS" section at hinde ko na alam ang isusulat ko, ipapalit ko muna ang "tatanungin ko na lang muna kayo". (sumagot kayo kung pede! walang pilitan! hehe!)
TANONG: "Do You Believe in Forever?"
me? I don't.. kayo?
signed,
who deemed @ 11:23 PM
-Wednesday, September 21, 2005-
Night Classes
Actually I don't.. Teka, tagalog nga pala dapat.. Okei, ulitin natin.
Sa totoo lang wala akong interesting na maibla-blog ngayon (palagi naman di ba?),
ang masasabi ko lang eh, ayun, napaltan ko na ang scheds ko at isa na akong pang-gabi! haha! So ngayon, pede na 'ko ng mag-hanap ng trabaho (yung may mapapala akong sweldo) at kelangan ng mag-hanap ng isang pang OJT, alam ko iniisip nyo, OJT na naman, (ang walang kamatayang OJT) wala akong magagawa 3 taon ang OJT dito (3rd-5th year)! Nakaka-bwisit nga eh, kasi madalas inaabuso ka ng nagiging tutor mo, ikaw naman hinde maka-laban kasi syempre takot ka na baka bigyan ka ng mababang grades at manganib ang pag-pasa mo, kaya ayun sila naman super-duper abuso ang drama, as in lahat na yata ng trabaho (pati yung dapat sila ang gagawa) eh sa'yo lahat itatapon! leche!
Pangalawa, nung linggo (ika-18 ng september) bininyagan na si Gabri (Gabriele Thomas Martin) at gaya ng date, late na naman po ang yours truly nyo at shempre with Lily, dapat 3:30 nasa Rozzano (mga 15 mins. away from the church) na kami (kasi 4:00 ang start ng binyag) at anong oras kami dumating sa meeting place? syempre alas-4! haha! Dumating kami sa simbahan mga 4:15 and Marzia being Marzia (ang nanay ng bibinyagan), arrived at 4:30, ng hinde kasama ang tatay ng batang bibinyagan! Oh di bah? Special talaga, 4 na bata ang bibinyagan pero hinde makapag-umpisa on time dahil mega-late ang isa sa mga bibinyagan! Compared sa binyag ng mga pilipino (na kung hinde ako nag-kakamali eh, almost 1 hr, paki-correct lang po ako kung mali) ang binyag ng mga italyano eh 10 minutes lang (15 mins. max).
10 mins. (o 15 ba?) lang bininyagan ng pare ang 4 na bata!
Pangatlo, pagkatapos ng binyag at ng Socialization-ek-ek eh direcho layas na kami ni Lily kasi hinde naman talaga kami nag-eenjoy dun eh, (kami lang kaya ang porineyr!) at isa pa wala kaming mashadong kilala sa mga bisita nila. Family lang talaga nila ang kakilala ko kasi nung hinde pa sya nabubuntis eh madalas kaming tumatambay sa bahay nila. Sa totoo lang talaga ayaw na sana namin pumunta kaso alam namin pareho kung gano ka-importante for Marzia yung presence namin, kaya ayun. Pag-balik namin dito sa kabihasnan? (downtown), may hina-hunting pa lang papa ang Lily, kaya ayun direchong diskuhan ang bagsak namin,
**maniniwala ba kayo na yun ang 1st time kong maka-pasok ng diskuhan (diskuhan ng mga taga-Ecuador) dito? apat na taon na kaya 'ko dito! wala naman kasi akong alam na diskuhan ng mga pilipino dito, at kung sa diskuhan naman ng mga italyano ang dadayuhin ko eh, una, wala akong makakasama, ika-dalwa, masosobrang bad trip lang ako sa sobrang sikip, tipong inde ka na maka-hingga (o maka-galaw) sa sobrang dami ng taong nag-aagawan sa oxygen!**
mabalik tayo sa papa-hunting ni Liliana, hinde dumating ang hina-hunting ng loka, mag-kakalhating oras na kaming naka-tayo (pina-paupo na kami nung girl, kaso ayaw ni Lily kasi hinde daw nya makikita pag-dumating papa-chuva nya!) sa may tabi ng dance floor at nangangawit ang paa sa kakaantay sa wala! At eto pa, shempre galing kami sa binyagan (simbahan), imaginin nyo ang get-up namin, parehong naka-long sleeves (akin white, kay Lily black) at pants (akin black at kay Lily white) **pramis! hinde namin pinag-planuhan ang damit namin!** with matching high heels for Lily and mega black boots for me, both with black jackets! Eh di super out of place ang suot namin, buti na lang madilim sa diskuhan, kung hinde, andaming naka-kita na nag-mumukhang tangga kami sa suot namin! haha!
Hay, wala lang.. buh-bye nah, mahaba na din 'to eh, baka bored to death ka na eh... hehehe..
signed,
who deemed @ 12:13 AM
-Saturday, September 17, 2005-
New Lay-out, First day of School and uumm, me being lazy?
First and foremost, I made a new lay-out,(okei, sorry for stating the obvious) spent 4 days doing it, 10 minutes for the image and the remaining trying to figure out the codes.. haha! Since school started last Monday (sept.12) and I know that in a few days I won’t have enough time to (stare dumbly at my computer) spend online and have my daily dosage of cyberspace! hehe! Anyways, school was fine, Marzia, Yolanda & Sabrina..
*I remembered something*
[I was talking to mamu^* a couple of days ago when a (Filipina, na bagong dating dito) lady approached us to ask directions, and spontaneously a chit-chat started and I noticed that we (mamu & I) both have forgotten terms (words) in tagalog, so I decided that next time I’ll rant blog in tagalog! (or tag-lish)]
*going back to Marzia, Yole (YO-LE) & Sabri*
..decided to dump school this year, (and I’m thinking of changing my schedules) I don’t know, all of a sudden, school is not that fun anymore. Its one thing having my cousin erin^* in the same school, it’s another having papu^* wanting me to avoid her, after spending years trying to convince me to befriend her. Life’s crazy!
What else? Oh, yeah, haven’t been blogging in almost a month.. its kind of funny knowing that I’m online everyday, and when I’m lying on my bed I always have this drive to blog, then I’ll go online, go to blogger only to find myself not wanting to blog anymore. (In fairness, madame akong mabasang blog! hehe!)
Belated Happy Birthday, Catty!
^* erin = not my cousin’s real name, mamu = mamma, papu = papà
this is the first & probably the last time that I’m writing who’s who, and explain that every name followed with ^* means it ain’t their real names, using this to stay out if trouble… incase some people I know bump in this blog. And if you’re one of those people, please try to forget bout what you read here… hehe!
signed,
who deemed @ 5:01 PM