-Monday, April 25, 2005-
comments!!!
elloe people of the obscure cyberspace!!! I've been busy with the OJT, school works and still I'm working on my thesis... so, I basically do not have much time to think of what to blog about.. blogging about me and what's happening to me is one heck of a job for someone like me... it requires too much time that I honestly do not have at the moment… so I decided to just answer surveys, write bout what runs in my head and comment on just about anything.. so mesmerize yourselves… [hahaha!!]
from sum one's blog [just that I forgot her webbie... but I'll find it as soon as I can and I'll post it here... promise!]
comment nya sa movie na MILAN..
Napanood ko kagabi ang pelikulang ito nina Piolo at Claudine sa VCD. Maganda daw sabi ng mga nakapanood. Asus, ewan ko.
*** yes, the film was not that good.. inde ko alam kung tinipid nila ang film dahil 2 lng yata ang artista or pinag ka gastusan nila dahil sa Milan ang location... hehe
Hindi naman naiiba sa mga dramas na pinipilit ang romance kahit walang chemistry yung mga bida. Parang dinaan na lang sa kakaibang location para maiba. Pinili ang Milan sa dami ng mga bansang may mga OFW para setting pa lang romantic na kunwari.
*** I think the reason is… [I'm not sure bout what I'm saying tho… maybe I was misinformed] sa italy daw ang pinaka madaming ofw... at sa dami ng mga pinoy na gusto pang maki pag siksikan dito kahit sa sobrang hirap mg hanap ng trabaho..
Malamig at malungkot. Parang Baguio na gasgas na gasgas na sa mga romantic movies na walang budget para mag-shooting sa ibang bansa. Eh kung sa middle east nga naman ang location halimbawa, makakablam siguro ang mga fans ni Piolo kung habang umiiyak sya sa pangungulila eh dumudugo ang kanyang ilong sa init.
*** hahaha!!! hahaha!!!
Vaket parang dalawang personality lang yata ng kayang i-project ni Claudine? Either mukhang high sa adrenaline o kaya naman na-overdose ng downers. Pag di mega hyper eh mega martyr.
*** I totally agree..
Vaket nag-i-Italian ang mga pinoy kahit sila-sila lang? Ano namang nakaka-ngiwing pauso yan? Maraming pinoy dito sa Korea ang marunong mag-Korean pero unless deliberate na nagbibiruan o kaya may kasama kaming Koreano na ayaw naming ma-out of place eh Tagalog o Taglish syempre ang chikahan. May scene doon na pagdating ni Claudine sa bahay eh nagtalo-talo sila ng mga kasambahay nyang mga pinoy in Italian. Ano naman yon, pakitang gilas? Pakibaba nga ang kanang kilay ko, please.
*** yes, isa ito sa mga "nakaka-hiyang" ka-ugalian ng mga pinoy dito... prang ikina-kahiya ang pinas... tapos sus, inde sana bale kung tama ang mga grammar... [sabi nga ng dati kong italian professor ang mga pinoy lng daw ang mga ng iibang bansa na ayaw pag aralan sa skul ang language ng tinutuluyang bansa...] eh mas bakwet pa sila sa instik na ng tatagalog eh... tpos ugali pa ng iba... mang dead ma ng kapwa pinoy pag nakaka-salubong sa kalsada... ay naku kung ayaw mong bumati eh di... "tse!" ka din!!!
Magkano kaya ang binayad ng Nescafe sa Star Cinema? Hanep sa shameless advertisement. May focus na sa label, may matching dialogue pa na, "Magkape ka muna, para maganda ang simula ng iyong umaga...Fresh from the Philippines 'to. Pag may dumadating nga dito, ito lang ang lagi kong binibilin eh." Nyek. Actually, ayon sa mga nagtitinda ng mga pinoy products dito, nagunguna sa lahat ang Tanduay, Likas Papaya, Eskinol, Extraderm, at kahit na anong sardinas.
*** inde po totoong iyon ang palaging binibilin ng mga pinoy sa mga nag babalik bayan... una, dahil maliit man po.. eh meron din naman ditong mga filipino stores.. ika-dalawa, there's really no need na mag-pakahirap ka pa ng pag-hahanap ng nescafe... coz if i'm not mistaken, nescafe is an international prod. kahit nga sa bahay ng italian friend ko eh nescafe ang coffee nila... sus, pumasok ka sa kahit na anong grocery store dito... mahahanap mo ang nescafe...
signed,
who deemed @ 2:40 PM
1 rants and raves:
HanAgiRL
whispered at Monday, May 02, 2005 6:47:00 PM
hi, just passing by:)