<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10753911\x26blogName\x3d%2B+pessimist+addictions+%2B\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://undiscovered08bum.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://undiscovered08bum.blogspot.com/\x26vt\x3d5718339149119412204', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>



  -Saturday, August 12, 2006-
I wanna grow old with you.

I pay very little regard...
to what any young person says on the subject of marriage.
If they profess a disinclination for it,
I only set it down that they have not yet seen the right person.
-Jane Austen, English novelist (1775 - 1817)


nanonood ako ng homeboy kagabi, sabi doon ang mga nag-papakasal daw ngayon na mga pinay (at pinoy) ay age ranging from 21-24. ako naman syempre todo "hu-watt??".. napapag-iwanan na ba ako? hahaha! pero hinde eh.. isip bata pa naman talaga ako eh. kaya lang napa-isip din ako... naalala ko na halos lahat [...]
and by lahat i mean, tipong 76% ng mga dati kong schoolmate eh mga nasa long-term relationship na, atleast 3 years na silang steady with their partners & 15% sa kanila eh either may anak na or may asawa or may asawa't anak na. lately lang one of my closest friend in highschool got married at the age of 21 (she turned 21 last january lang.) at yung natitirang percentage??... yun dun po kasali ang inyong lingkod.


anyway, mabalik tayo dun sa naalala ko.. naalala ko nga na parang napag-iwanan na kaming 19%... hehehe. ang totoong tanong ko...

"kami (talagang nandamay noh?) ba eh talagang napapag-iwanan na or sila lang yung mga nag-mamadali?"


para sa'kin, syempre sila yung nag-mamadali noh! ako kasi, kung sakali man, i see myself tying the knot when i'm 26-27... because that's the age i want to have kids (kung sakali man, ulit). kung tinatanong mo, kung magpapa-kasal ako dahil lang sa mga magiging anak, ang sagot, Oo. ibig kong sabihin kung sa palagay ko hindi pa ako ready para sa kasal pero mag-kaka-anak na ako, syempre, kahit hindi ka ready, dapat kayanin mo, ayaw ko kasi ng hindi kasal pag-may anak na.. mahirap, nakikita ko na kasi sa mga kalapit(?) ko dito ang problema at hindi ka naman siguro mag-kaka-anak sa tao na hindi mo mahal, di ba? sa totoo lang kasi, matagal ng alam ng mga nakaka-kilala sa'kin (kahit ng mga parents ko) na mas gusto ko yung live-in muna bago kasal-kasal... mahirap naman kasi yung susugod ka agad sa kasalan, para kang susugod sa gera nang walang armas at hindi kakilala kung sino ang kalaban at kung para saan ang pinag-lalaban mo, sabi nga nila ang kasal hindi parang kanin na mainit na pag-napaso ka pede mo iluwa(?) (naks! hahaha!). and i'm glad na naintindihan yun ng parents ko. siguro dahil na din sa sila matagal din na nag-live-in muna (more than 10 years) before nag-pakasal. ako kasi, naniniwala na hindi mo makikila ang isang tao ng totoong-totoo unless, naka-sama mo na sya sa bahay. karamihan kasi ng mga tao iba sa bahay. mahirap naman di ba yung kung kelan kasal na kayo eh, saka mo pa malalaman na ganon pala sya, na ganon pala sya sa bahay... eh pano kung hindi kayo mag-kasundo? mag-titig-isa kayo ng bahay?

para sa'kin 2 months of living under the same roof wins over 3 years of going steady as a couple.


and yes, i am in favour of premarital sex, but this is another entry story.

nung nandito pa kasi si papà, ugali na namin yung pag-gabi after dinner, lumabas sa may terrace (lalo na pag-summer kasi sa labas medyo mahangin) to talk about everything. naalala ko yung one time na we were talking [...]

papà: pag-hindi ka nag-bago, mag-kakaroon ka ng 27 o kaya 30 pa na alagang pusa.

me:
ha? bat naman pusa pa?? aso na lang.. tagal na 'ko nag-papabili sa'yo eh.
(hindi ba daw ako mag-worry sa quantity ng pusa? hehehe!)

papà:
hahaha! ang aso sa may mga pamilya lang.. sa may mga anak.


me:
(biglang na gets ang ibig sabihin ni fader dear!) yay! basta ako aso ang bibilhin ko.. ayaw ko ng pusa. (sabay belat kay papà!)


papà:
hindi nga seryoso na.. hindi ka ba natatakot tumandang mag-isa?


me:
(shrugged then said) wala eh.. ala nga namang mamilit ako, di ba?


papà:
baka naman may inaantay ka pa na gustong balikan?
(ibang story na ulit ito.. sa'ka ko na ikwento)

me:
hindi... wala eh... hindi pa ngayon yung tamang oras.. hindi pa ako ready sa commitment.. wala pa yung
best-friend material.
  • [ang isa sa mga itinuro sa akin ni papà, dapat ang pipiliin mo para maging life time partner (or papa-kasalan) mo hindi yung basta mahal mo lang, dapat sya yung alam mong kahit wala na yung "in-love" factor, wala na yung tipong "we're still in high school" passion, okei lang kayong dalawa... kasi pag-tumagal na.. pag-matanda na kayo, it's no longer about the being "in-love" or the passion.. pag-tumagal na daw kasi para na kayong mag-kapatid... mag-best friend]
papà: eh pano mo makikita kung nakakulong ka lang dyan sa mundo mo?

me:
ala nga naman ako pa ang mag-hanap sa kanya noh?


papà:
'bat naman hindi? eh, hindi ka rin naman naniniwala sa ligaw-ligaw eh.


me:
uy! ang cheap ko naman nun di ba? hahaha!
(of course, i was just joking)

papà:
eh pano naman ikaw na ang hinahanap, nag-tatago ka naman.


me:
hahaha! hindi naman sila ang humahanap eh.. yung magulang nila.. hahaha!


papà:
ay naku! basta sina-sabi ko sayo, pag-ikaw 30 na at single ka pa din.. ipapamigay na kita, usapan yan ah?


me:
ibugaw ba ako? sumbong kita kina tito eh. hahaha! pano? ibibili mo na ako ng aso?


papà:
sige, promise, after 2 years. (
dapat ngayong year na ito na ako mag-kaka-aso eh)


yes. me & papà. we used to talk that way. God, i miss my papà.


bakit single pa rin ako? "kasi wala pa eh... hindi pa ngayon yung tamang oras.. hindi pa ako ready sa commitment.. wala pa yung best-friend material." hehehe.. sa totoo lang, mas gusto kong isipin na wala pang "nabubulag", na walang pang "nag-kakamali", na wala pang nag-kaka-gusto. sa ganong paraan kasi, hindi sarili ko ang sisisihin ko, di ba? hindi ako palaging mag-iisip kung ano nga bang kina-katakot ko sa pag-ko-commit? sa pag-pasok sa isang relasyon? kung bakit sa edad kong ito eh mas gusto ko pa ding maging single? ano nga bang kina-tatakutan ko? san nga ba ako nag-hahandang maging handa?

anyway, one last question.. do you wanna grow old with me, best friend?


edited on Aug. 20, 2006. if you want to listen to "I wanna grow old with you", please click here. pinag-pawisan ako sa tagalog, hahaha!

signed,
who deemed @ 6:39 PM




15 rants and raves:


Anonymous Anonymous whispered at Saturday, August 12, 2006 11:58:00 PM

sige.. let's grow old together.. finding that best friend material! hehehe.

yeah.. i know.. you miss him... lalo na ngayon.. lapit na ang october.. but try to have fun anyways, ayt? =)






Anonymous Anonymous whispered at Sunday, August 13, 2006 9:03:00 AM

dadating rin yang hinihintay mo.. peks man! he he

kidding aside, i think 25-27 is the best ages to marry, later than that range, medyo mataranta ka na ha ha ha






Blogger The King whispered at Sunday, August 13, 2006 6:47:00 PM

hahaha! i so loved that conversation with your Papa! tamang timpla ng comedy, drama, inspiration at wit, hehehe.

ilan ka na ba ngayon? 22? 23? okay pa yun, a lot can happen between now and when you'll be 30.

tama ka, hindi dapat tayo nagpapapressure. pero gayunpaman, from time to time, napapawonder din tayo kung bakit single pa rin tayo, no? hehehe.. anyway, those moments will pass eventually.

dont worry, im sure it'll be worth the wait.. =p






Blogger nixda whispered at Sunday, August 13, 2006 9:28:00 PM

sabi nga ni anonymous sa taas ... miss mo siya! hmmm ... sino kaya ang masuwerteng mokong na iyon at hanggang ngayon ... ehem ... ehem ... :D

ang pag-aasawa di naman dapat iniisip yan, dumarating na lang na parang "disgrasya" kahit siguro ilang taon na kayong engaged, kung talagang di yan ang gusto ng tadhana *ping* soweee na lang ;)






Blogger Dindin whispered at Monday, August 14, 2006 3:57:00 PM

GAGA =p - hehehe.. sige.. mag-intay lang tayo ng mag-intay.. hanggang sa ma-realize natin na wala pala tayong hinihintay.. hahaha!
oo nga.. sana nandito ka sa pag-bababa. =(

JOCHIE - adeek! hehehe.. hindi ko nga hina-hanap eh.. sana nga maligaw muna sya.. hahahah. sus! kaw talaga.. bata ka pa naman eh.. kaya tama.. ENJOY lang tayo.. heheh.. =)






Blogger Dindin whispered at Monday, August 14, 2006 4:03:00 PM

tita BING - gusto ko nga sana maligaw muna sya.. nung pinost ko yan.. parang dumaan lang yung idea na yun at napa-isip ako.. but i'm still enjoying being young.. and "free" heheheh. Oo nga.. kaya nga sabi papa dati.. ipamimigay na daw nya ako pag-dumating ako sa age na yun at single pa din.. hahaha!

REX - hehehe.. ewan ko.. siguro kasi hindi ako sa kanila lumaki.. kaya hindi yung "normal" na father-daughter yung relationship namin.. i loved talking to him...
21 pa lang... hehehe.. turning 20 before the year ends.. hahaha!

"those moments will pass eventually." - it already did.. hahaha. isang gabi lang. hehehe.






Blogger Dindin whispered at Monday, August 14, 2006 4:08:00 PM

ate RACKY
hahaha! magulo na nga akong kausap, magulo pa din ba ako mag-sulat? hehehe.. (o ang GAGA na si anonymous ang magulo? hehehe!) i miss my papa, as in si father dear.. hindi yung kung sinong papa. hehehe.. maswerte? kawawa kamo.. kung meron man.. kaso wala eh.. =) hehehe.

para sa'kin ang pag-aasawa... the later the better.. ;)






Anonymous Anonymous whispered at Tuesday, August 15, 2006 2:31:00 AM

darating dn xa... huwag m muna isipn yahn, d k nmn nag-iisa eh. darating ung tamang time... hehe.. db?..

dko magets ung pusa at aso.. haha. la lng :)






Blogger - litol figgy - whispered at Wednesday, August 16, 2006 8:22:00 AM

ako din pro-live in muna bago kasal. eh kaso yung unggoy ko ngayon ayaw nang ganun. at malabo naman ako mag-live in mag-isa di ba? hehe.

all in time lang yan, lola. all in time. :)






Blogger Dindin whispered at Wednesday, August 16, 2006 12:33:00 PM

RHO-ANNE - sana gold ang wrapper! hahaha.. dapat pala tumingin ako sa tabi-tabi.. hehehe. =P

TRISH - kasi dito (ewan ko dyan sa inyo or sa pinas) pag matandang dalaga ang pinag-uusapan ang madalas na na-pipicture ng mga taga-dito, matandang babae na naka-tirang mag-isa sa bahay na madaming alagang pusa.. hehehe..

RAIN - hehehe.. mahirap nga namang makipag-live in sa sarili.. hehehehe.






Anonymous Anonymous whispered at Wednesday, August 16, 2006 2:35:00 PM

my dera frend.... life begins at forty... matagal-tagal pa naman tau... kaw pala..

wait and see, wait and wait hanggang lumawit nag dila sa kaaantay nyahahaha






Anonymous Anonymous whispered at Wednesday, August 16, 2006 3:40:00 PM

hi din-din! baliktad naman ang daddy ko. bakit daw ako nagmamadali magka-boyfriend eh ang bata ko pa (I'm 22) marami pa akong makikita pag nag-work na ako. Naniniwala naman ako sa kanya, kaya lang tumibok ang puso naming dalawa eh. hehe!

Pero sa totoo lang, wala pa rin akong balak mag-asawa. Not in the next 5 yrs. I think 25 is still young and I haven't enjoyed singlehood just yet.

Though I believe in the Waiting-for-the-right-man-until-he-drops-on-your-lap, I don't believe in being passive about it. Sa akin kasi, Don't give to God the responsibility He gave you. I believe God gave me the responsibility to choose my future mate. :)

Just my two cents worth. :)

Thanks for linking.






Blogger Dindin whispered at Wednesday, August 16, 2006 11:04:00 PM

kuya KNEEKO - uu nga.. 2 dekada pa! hahaha! intay pala ako na maging 40.. then i'll start living! hahaha!

GARNET GIRL - di ko nga ba alam... kaya nga yata ako nawawalan ng gana kasi hindi ako pinag-babawalan... eh di ba mas ok daw gawin yun bawal? hahaha! kasi sila noon, bata pa may mga boyfriend/girlfriend na (si mama grade 6 pa lang may bf na at si papa naman 1st yr. HS)... kaya siguro ganoon.. sabi pati nila sa'kin, naiintindihan naman daw kasi nila yun kasi nga pinag-daanan din nila.. gawin ko daw lahat ng gusto ko.. wag lang daw ako tatanga-tanga! hahaha!

Pity those who wait,
Trust in love to faith,
Findin' out too late that they've lost it


ako din.. hindi talaga naniniwala na basta na lang din yun darating.. syempre kelangan matuto ka nag-hanap... pero hindi ibig sabihin na pag may nahanap ka na.. yun na yung talagang para sayo.. *ang gulo ko!* hehehe..

btw,
ur welcome! =)






Blogger nixda whispered at Thursday, August 17, 2006 8:37:00 PM

buti pala di naliligaw dito mga moralista :D kung hindi nasali ka rin sa tutuligsain katulad ko ;)

sa chat lang iyon ha, mga biro ko or let's say naikumpara ko ang ad/disadvantage ng way of living sa Pinas at dito sa Europa, ang mga epekto nito sa economy, tralala ... ngayon buong pagkatao ko ??? na! mga MAY pinag-aralan pa mga yon ... kaya nga mas trip kong mangulit sa mga mas bata sa akin, mas open-minded!






Blogger Dindin whispered at Friday, August 18, 2006 2:01:00 AM

hahaha! subukan nila.. magiging gabriella silang tayo! *sugod mga kapatid!!* hehehe.. pero shempre meron pa din galang at rispeto (kahit hindi sila deserving! =P) hahaha!

iba-iba naman kasi ang pag-papalaki sa atin at ang mga kinagisnan natin.. respeto lang sana ng kanya-kanyang opinyon.. hindi naman porke ganun ang opinyon sa isang bagay eh dapat ka ng gagahin or wasakin ang buong pag-katao mo! oh di ba? very dramatic ang dating! =)

-may mga pinag-aralan nga.. kikitid naman ng utak.. sana lang kasi intindihin din nila na ang mga bagay-bagay nag-eevolve.. kaya sana yung mga pananaw nila.. eh mag-evolve din.. kaya tama yan... tayong mga bata ang mag-sama-sama at silang "may mga edad" (oh di ba.. ang bait ko pa din! hehehe!) ang mag-sama-sama.

yun lang po. thank you. =)





whisper to my ears

<< back Home





Profile
[-]

``Essentials``
Moniker: [dindin], geri, gerald, gie
Birth date: September 27
Location: Milan, Italy
Religion: Roman Catholic
Astrological Sign: Libra
High School: Canossa College S.P.C., Laguna
College: IIS- Kandinsky -Milan, Italy


``more of me``
``blogger profile``


Previous Postings
[-]

Monthly Archives
[-]


Contacts
[-]



msn messenger: acayebin8@msn.com





i'm on friendster


Links & Listings
[-]

South Border
[-]


HUG ME, please? =)


TOTAL *HUGS*!
show me some *love* (CLICK ME!)




Tag

MSG. TO EVERYONE:
"Moved to Dindin's World"



Updates on other Blog
[-]



Credits
[-]

Blog Hosting: blogger. Image Hosting: photobucket. Online Counter: free-scripts. Site Search: freefind. Tag Board: tag-board. Comments: haloscan. Weather: weatherpixie. Counters: coolcounters. Hugs: toxin. Domain: freedomain. Scripts: createBlog. Lay-Out: gersar. Graphics: GoogleRicercaImmagini. Dividers: Glitter Graphics.